Arrow right close
soc una dona
Tulungan siya Search open
Languages image description
soc una dona

Lumikha ng ligtas na espasyo

Humanap ng paraan upang mapag-usapan ito nang pribado. Sabihin sa kanyang nag-aalala ka. Iparamdam ang tiwala at kapayapaan ng isip maramdaman niyang ligtas siya. Bigyan siya ng panahon upang mapag-usapan ito.

Seryosuhin mo siya

Makinig at maniwala sa sinasabi niya sa iyo. Madalas na hindi sineseryoso ang mga kababaihang nasa teribleng sitwasyon. Huwag maliitin ito; huwag sabihin na “oh, ang lalaking iyan sa trabaho ay talagang napakabuti”, o “ang iyong asawa ay isang kahanga-hangang ama, marahil hindi naman talaga ganoong kasama”. Paniwalaan ang sinasabi niya.

Suportahan siya

Kung sa tingin niya ay may kasalanan siya, ipaunawa sa kanya na walang maaaring ipangatwiran ang pang-aabuso at maling pagtrato; tanging ang nanakit sa kanya ang responsable sa lahat. Pigilan ang galit na nararamdaman mo sa loob. Mag-alok na tulungan siya at igalang ang kanyang mga desisyon.

Huwag siyang husgahan

Maging magalang, huwag husgahan o huwag siyang hayaang magduda sa sarili niya. Huwag kuwestiyunin ang kanyang mga motibo o desisyon. Tulungan siyang ituon ang kanyang mga kalakasan at magkaroon ng kumpiyansa.

Bigyan siya ng panahon

Maaaring mahirapan siyang magtiwala sa iyo. Magpasensiya, ang pagkilala sa problema ang unang hakbang. Imungkahi muling magkita sa lalong madaling panahon. Magtiyaga at huwag mag-alinlangan.

Alamin pa

Humingi ng payo sa mga propesyonal na maaaring gagabay sa iyo tungkol sa pinakamagandang gagawin.

Hindi siya nag-iisa

Sabihin sa kanya na kasama mo siya at magkasama kayong hahanap ng mga solusyon.

Hikayatin siyang magpatulong

Huwag siyang pipiliting gumawa ng mga marahas na hakbang. Tulungan siyang alamin ang kanyang mga karapatan at imungkahi na makipag-usap siya sa mga propesyonal.

Mga libreng serbisyo — 124 na wika — 24 oras/araw — 365 araw/taon