Arrow right close
soc una dona
Pagkalalaki Search open
Languages image description
soc una dona

Ang sakop ng diskriminasyon dahil sa kasarian at ang mga malalalim na ugat nito ay maaaring magbigay ng pakunwari na wala ito o parang normal ito ngunit walang makakaabsuwelto sa paglabag ng mga karapatan o mga paglilimita sa ating kalayaan.

Ang mga karahasang batay sa kasarian ang pinakamapaminsalang pagpapakita ng diskriminasyon dahil sa kasarian dahil hinahadlangan nito ang ating pagiging independiyente, sinasaklawan tayo at sumisira ng mga buhay. Ito ay karahasang sumasakop sa bawat antas sa lipunan – sa bahay, mag-asawa, lugar na pinagtatrabahuhan, komunidad at sa mga hindi kakilala – at ito ay maaaring hinggil sa psikolohiko, ekonomiya, pisikal, sekswal, digital o ng institusyon.

Ang isa sa sampung kababaihan sa buong mundo ay nakaranas na ng sekswal na pag-atake sa kanilang buhay at ang isa sa labing-apat ay sekswal na panghahalay ng taong hindi nila kapareha, kahit na ang kalahati sa kanila ay kilala ang gumagawa ng karahasan sa kanila. Sa Catalonia, ang 13.3% ng mga kababaihan ay nakaranas ng malubhang sekswal na karahasan at 5.9% ay ginahasa ng kapareha o dating kapareha.

Ang tanging tao na dapat sisihin sa karahasang batay sa kasarian ay ang gumagawa ng karahasan.

Karahasang sikolohiko

Pananakot, pagpapahiya, panggigipit, manipulasyon, kontrol at pagkulong. Sinasabi niya sa iyong gawin ang mga sinasabi niya at maging masunurin, kundi ay lilimitahan niya ang kalayaan mo sa pamamagitan ng pagkuha sa telepono mo o pagtago ng iyong dokumentasyon at ng inyong mga anak, kung mayroon man kayo.

Karahasan sa ekonomiya

Pagkontrol sa iyong pera at mga mapagkukunan o pinaghahatiang pera at mga mapagkukunan . Pinipigilan ka sa pagpapatuloy ng iyong mga pag-aaral, hindi ka pinapayagang magtrabaho o pinagkakaitan ka at ang sinumang mga anak mo ng pisikal at sikolohiko na kalusugan.

Pisikal na karahasan

Anumang kilos laban sa iyong katawan para saktan ka at pilitin kang sumunod. Hinahawakan ka nang laban sa kagustuhan no, binabato ka ng mga bagay-bagay, sinasaktan ka at nagsasagawa ng anumang ibang kilos ng pisikal na pandarahas. Pagtulak at pagkurot ay mga kilos ng pandarahas, gaano man ang sinasabi niyang nakikipagbiruan lamang siya, tumatanggi siyang hayaan kang humingi ng tulong sa sitwasyong mapanganib. Ang pisikal na karahasan ay madalas na nagaganap kapag tinitiis ng babae ang mas banayad na karahasan sa loob ng matagal na panahon.

Sekswal na karahasan

Ang anumang pakikipagseks na natamo sa pamamagitan ng pagpilit o nang may karahasan sa pamamagitan ng paglilinlang, manipulasyon o pananakot, maging ito man ay pangmag-asawa (mag-asawa), emosyonal o pamilya na relasyon sa gumagawa ng karahasan . Mutilasyon o pagtanggal ng ilang bahagi ng ari, pagpapakasal nang laban sa kagustuhan mo at sekswal na pananamantala ay mga uri rin ng sekswal na karahasan. Ang ilang uri ng sekswal na karahasan ay hindi pisikal. Kasama dito ang panggigipit, paghuhubad o paglalantad ng ari sa publiko o minamasdan nang wala kang pahintulot.

Karahasang gamit ang teknolohiya

Maaaring may kinalamn ito sa pagkakatanggap ng mapang-abusong mensahe, pamamahagi ng inyong katalikan nang wala kang pahintulot, pag-access sa iyong mga device at pagbasa ng iyong mga komunikasyon, o pag-install na mga nakatagong application para makontrol ka nang wala kang kaalam-alam.

Karahasang dulot ng institusyon

Ang diskriminasyon at pang-abuso na nagaganap sa mga iba’t ibang larangan ng pang-iwas, pangangalaga at pagtama ng Pamahalaan: pulis, ligal na sistema, edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, pangangalaga ng lipunan, media, atbp.

Mga libreng serbisyo — 124 na wika — 24 oras/araw — 365 araw/taon