Kung sa pakiramdam mo ay nanganganib ka
Sabihin sa isang tao na iyong pinagkakatiwalaan tungkol sa sitwasyon para matulungan kang humanap ng mga impormasyon.
Tumawag sa 900 120 120 o pumunta sa mga serbisyong panlipunan ng munisipyo o sa pulis para makagawa sila ng pampigil na hakbang para matiyak na hindi lalala ang sitwasyon.
Ilista ang mga pananakot at pag-aatake na lingid sa kaalaman ng nananakit sa iyo. Ibigay ang mga detalye ng mga katotohanan, petsa, lugar at mga saksi, mula sa simula hanggang sa katapusan.
Maghanda kung sakaling lumala ang sitwasyon
Sabihin sa taong pinagkakatiwalaan tungkol sa nangyayari, kasama silang maghanda ng planong pagtakas, at gumawa ng password sa oras ng emergency.
Palaging ihanda ang mga mahahalagang bagay: telepono, mga susi, pera, ang iyong mga dokumento at, kung mayroon man, ang iyong mga anak. Gumawa ng mga kopya kung kinakailangan.
Kung mayroon kang nakadependeng mga anak, lumikha ng password upang maipaalam sa kanila na kailangan nilang lumabas ng bahay at pag-aralan kung paano tumawag sa 112 sa isang emergency, kung kailangan.
Kung nakita mong ikaw ay nalalagay sa marahas na sitwasyon
Subukang tawagan ang 900 120 120 o gumamit ng password sa taong pinagkakatiwalaan.
Kung kaya mo, magkulong sa isang silid at doon tumawag. Kung hindi makakarating sa tamang oras o hindi nakuha ang iyong telepono, gumawa ng malakas na ingay para marinig ka ng taong nasa labas at makatawag ng saklolo para sa iyo.
Ang pinakamagandang silid ay ang pinakamalapit sa pintuan dahil mas madaling makalabas. Kung hindi mo magagawa iyon, mas madali kang marinig ng mga kapitbahay mula sa isang bintana o patio sa loob.
Iwasan ang kusina at mga iba pang silid na may mga mapanganib na bagay.
Kung hindi ka makatakas, protektahan ang iyong mga pinakamahinang bahagi ng katawan: ulo, mukha at dibdib.
Sumenyas sa iyong mga anak na lumabas ng bahay o magkulong sila sa isang silid.
Pagkatapos ng pag-atake
Mabilis na lumabas hangga’t maaari, nakaalis man o hindi ang nanakit sa iyo, dahil maaari siyang bumalik.
Maghanap ng ligtas na lugar, sabihan ang iyong pinagkakatiwalaang tao at tumawag sa 900 120 120
Kung hindi ka makakalabas ng bahay o makatakbo sa himpilan ng pulisya o medical centre, tumawag sa 900 120 120
Kung may mga pinsala ka sa katawan, pumunta sa ospital, ipaliwanag kung bakit at humingi ng report ng pagkakapinsala bilang katibayan para gamitin sa anumang ligal na hakbang na maaaring mapagpasyahan gagawin mo.
Hanggang sa makarating ang pulis, huwag hawakan ang anumang bagay sa pinangyarihan ng pag-atake o ang iyong sarili, at panatilihin ang lahat ng katibayan: mga basag na bagay, napunit na mga damit, pasa at sugat, atbp.
Hanapin ang mga saksi sa mga pangyayari, kung mayroon man.
Paglalayas
Kung nakikitira ka sa nanakit sa iyo at iniisip ang tumakas, huwag kailanman babanggitin ito sa kanya o sinumang nasa sirkulo niya.
Laging tandaan kung saan ang iyong mga dokumento at ng mga anak, kung mayroon man, (mga dokumentong pagkakakilanlan, ligal na papeles, dokumentong may kinalaman sa bahay, kalusugan, mga bangko, paaralan, atbp.).
Laging tandaan kung nasaan ang telepono, mga susi ng bahay at ng kotse (kung mayroon man).
Laging ipaalam sa taong pinagkakatiwalaan.
Laging balitaan ang isang propesyonal sa pampublikong network (serbisyong panlipunan, atbp).
Maghanda ng bag ng mga damit at gamit (kung maaari, iwanan ito sa bahay ng taong pinagkakatiwalaan mo).
Magtago ng sariling pera o account sa bangko nang lingid sa kaalaman ng nang-aabuso sa iyo.
Kung naireport mo ang pang-aabuso sa mga nakaraang pangyayari, dalhin ang mga kaugnay na dokumento.
Kung kaya mo, planuhing tumakas kapag wala sa tahanan ang nanakit sa iyo.
Kapag nakatakas ka na, palitan ang numero ng iyong telepono, itigil ang madalas na pagpunta sa mga lugar na karaniwang pinupunta ninyo at baguhin ang iyong mga nakaugaliang gawi.. Itigil ang paggamit ng social media.
Patayin ang mga opsyon sa geolocation ng iyong telepono at lahat ng ibang elektronikong aparato.
Kung ikaw ay may mga anak na kasama ng nanakit sa iyo, ipaalam sa kanya na lumikas ka sa bahay sa pamamagitan ng rehistradong fax (burofax).
Isumbong siya at humingi ng kautusang maprotektahan kung sa pakiramdam mo ay nanganganib ka.
Pag-uulat
Kumuha ng impormasyon mula sa Crime Victim Support Office (Oficina d’Atenció a la Víctima del Delicte) or Victim Support Group (Grup d’Atenció a la Víctima).
Humingi ng tulong ng dalubhasa mula sa Victim Support Groups para ireport ang nanakit sa iyo.
Sa himpilan ng pulisya at bago ihain ang iyong report, humingi ng ligal na tulong ng abugado at, kung kakailanganin mo, ang serbisyo ng tapagsalin.
Ilarawan ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunod at sa mga aktwal na salita, na nagdedetalye kung saan ito naganap at kung may mga bata doon noon.
Kung ikaw ay may katibayan at mga saksi, ilakip ang mga ito sa iyong report.
Kung ikaw ay may reprot mula sa serbisyong panlipunan, ilakip ang mga ito sa iyong report.
Kung patuloy na nangyayari ang mga pananakit kung saan namagitan ang serbisyong panlipunan, maglakip ng listahan ng kanilang mga pamamagitan sa report.
Para sa pisikal o sekswal na panghahalay, humingi ng medikal report para gawing katibayan at ilakip ito sa iyong report. Tukuyin ang nanakit sa iyo.
Humingi ng kautusang maprotektahan.
Bago pirmahan ang report, suriin na ang mga katotohanan ay wastong nailahad at humingi ng kopya. Hilinging isalin ito kung kailangan mo.
Kung humingi ka ng kautusang maprotektahan, kailangan mong humarap sa hukuman sa loob ng susunod na 72 oras at magpapasa siya ng may bisang desisyon hanggang sa ibaba ang pinal na hatol. Sa panahon ng pagdinig, dapat magkaroon ng protektadong silid upang maiwasang lumapit sa iyo ang nanakit sa iyo. Ang kautusang maprotektahan ay nagbibigay-kakayahan sa hukom na magsagawa ng kriminal at sibil na mga hakbang para sa pag-iingat at pasimulan ang mga hakbang sa pangangalagang panlipunan, tulad ng pagkontrol, paghihigpit sa komunikasyon o kustodiya sa mga bata.
Kung wala na kayong relasyon ng taong nanakit sa iyo at hindi na nakikitira sa kanya
Huwag kailanman makipagkita ng nag-iisa: ang pakikipaghiwalay ay isang sanhi ng panganib.
Kung maaari, huwag ibigay ang iyong mga bagong detalye (addres, numero ng telepono, lugar ng trabaho, atbp.).
Humingi ng payo sa mga propesyonal sa pampublikong network at laging maging alisto.
Kung mayr mga maliliit kang anak, ipaliwanag ang sitwasyon sa kanilang paaralan at sabihin sa kanila kung sino lamang ang maaaring sumundo sa mga bata.
Kung bibisita siya sa inyong mga anak, maglagay ng isang taong pinagkakatiwalaan mo na mamahala sa mga pag-aayos o gumamit ng serbisyo ng lugar na pagkikitaan o meeting point. Huwag pumuntang mag-isa sa anumang dahilan.
Kung naglabas ng mga ligal na hakbang para sa proteksyon
Kung nilabag niya ang kautusang protektahan ka, tumawag sa 900 120 120 o pumunta sa himpilan ng pulisya.
Kung nakatira kayo sa iisang apartment, palitan ang mga kandado at huwag kailanman papasukin ang nanakit sa iyo sa anumang kadahilanan.
Subukang lumikha ng network ng mga tao sa paligid mo na maaaring magbigay babala sa iyo at mag-alerto sa 900 120 120 kung makikita nilang lumapit siya sa iyong paligid: iyong kapitbahayan, lugar ng trabaho, paaralan, atbp.
Palagi kang magdala ng kopya ng kautusang maprotektahan.
Iwasan ang anumang pakikipag-ugnayan sa nanakit sa iyo. Ang pagsisisi ay isa lamang yugto sa paulit-ulit ng karahasan. Huwag magpadala sa panggigipit at huwag kailanman isiping may kasalanan ka: ang tanging taong dapat sisihin ay ang nanakit sa iyo.
Kung lalabag sa kautusang protektahan ka ang nanakit sa iyo, lalabag siya sa batas, kahit na pinayagan mo siyang lumapit sa iyo.
Para sa panggagahasa
Pumunta sa isang ligtas na lugar sa simbilis ng iyong makakaya, malayo sa nanakit sa iyo.
Huwag isiping ikaw ang may kasalanan o hatulan ang kilos mo, tanging ang nananakit ang dapat sisihin.
Kontakin kaagad ang taong pinagkakatiwalaan mo na makakatulong at masamahan ka.
Itago ang katibayan ng panggagahasa: huwag maghugas, huwag mag-shower, huwag maligo, huwag magsepilyo o magmumog, huwag magpalit ng damit, huwag kumain o uminom at, kung maaari, huwag umihi o magdumi, dahil maaaring mabago ang katibayan na maaaring magamit sa pagkakatukoy at pagkakaaresto niya.
Pumunta sa emergency department ng pinakamalapit na ospital sa lalong madaling panahon.
Kung ikaw ay menor-de-edad o napakabata, maaaring gustuhin mong magtiwala sa isang nasa tamang gulang para sa pagtulong nila.
Ireport ito.
Para sa digital na karahasan
Huwag isiping may kasalanan ka o hatulan ang kilos mo, tanging ang nananakit ang dapat sisihin.
Huwag sirain ang katibayan ng pang-aapi: mga usapan, e-mail, larawan, atbp. Maaaring gustuhin mong burahin ang lahat dahil sa pakiramdam mo ay may kasalanan ka at ayaw mong malaman ito, o kalimutan ang tungkol sa nangyayari. Mahalagang panatilihin ang katibayang ito dahil magagamit ito ng pulisya upang hanapin ang nanakit sa iyo at patunayan ang krimen.
Magpatulong sa taong nasa tamang gulang. Bagama’t na maaari kang makaramdaman ng pagkakonsensiya o ng hiya, tandaan na ang tanging tao na makakatulong sa iyo sa sitwasyong ito ay ang taong pinagkakatiwalaan mo na nasa hustong gulang.
Gumawa ng ligal na hakbang. Ireport ito. Makipagtulungan sa iyong mga magulang o sa taong pinagkakatiwalaan mo na nasa hustong gulang kapag ireport mo ito. Ito ay mahalaga kung nais mong ihinto ang pang-aapi.